Powered By Blogger

Pages

Powered By Blogger

Sunday, July 25, 2010

Ano kasi kwan

“Ano kasi kwan”

Ang pilipino daw ay merong kakaibang kultura, kung tayo ay ikukumpara sa ating mga karatig na bansa. Maliban pa sa pagiging mabubuting loob nating mga pilipino sinasabi rin na ang mga pilipino ay merong isang malalim na pagsasamahan na tinatawag na “Pahiwatig”. Ito daw ang isa sa pinakamalalim at ang pinakapuso ng ating kultura.

Merong isang magtatay na nagkwekwentuhan nang biglang naalala ng ama na meron siyang nakalimutan sa 2nd floor nila kaya inutusan niya ang anak niya na kunin ito, sabi nya “Anak, kunin mo nga yung ano sa ilalim ng kwan sa itaas noong kwan” Umakyat ang anak at bumabang dala-dala ang ano na nasa ilalim ng kwan sa itaas noong kwan na pina-ano ng kanyang ama sa kanya. Walang nagsabi kung ano yung ano at kung ano yung kwan, ngunit nagkaintindihan silang dalawa. Subukan mong tanungin ang isang pilipino “kumain ka na ba?” At sasagot sya ng “sige lang, busog pa ko eh.” Tinatanongmo lang naman siya kung nakakain na siya ngunit iba ang sinasagot niya. Ganoon din naman tanongin mo siya ng “saan ka pupunta?” at sasagot siya ng “diyan lang.” Nakakatuwa kung isipin ngunit ganito talaga tayong mga pilipino kung magusap parang “short cut” Hindi pa man tinatanong ang isang bagay sinasagot na natin ito. :)

Sinasabi nila habang tumatagal daw ang isang relasyon ng dalawang magkasintahan mas lalo nilang nakikilala ang isa’t isa. Nakakatuwang isipin na ang mga pilipino bagaman hindi man nila kilala ang bawat isa ay meron nang nabuong malalim na relasyon. Kaya sumasagot tayo ng “sige lang, busog pa ko eh.” Ay dahil alam natin na ang ibig sabihin ng salitang “Kumain ka na ba?” ay hindi lamang payak na salitang nangangahulugang “kumain ka na ba?” kung ikaw ay tunay na pilipino alam mo na ang ibig sabihin ng salitang ito ay “kumain ka na ba? Tara kain ka oh.” at alam din natin na ang ibig sabihin ng salitang “sige lang busog pa ako eh.” Ay nangangahulugang “isa pang yaya pre, onti na lang kakain din ako.” Hehehe.Katangahang maituturing para tayong gumaganap sa isang pelikula kung saan merong mga script na dapat basahin. Ngunit ito talaga ang kultura natin hindi tayo nakikinig sa salita nakikinig tayo sa nilalaman ng salita. Ganun din naman kung inyong mapapansin ang salitang “tara kain tayo!”alam natin na ang ibig sabihin nito ay “gusto sana talaga kitang pakainin kaso sakto lang samin to eh.” Hehehe Ito ang pamamaraan ng pilipinokung paanong sasabihin ang isang salita na hindi nakasasakit sa kapwa. Ganito tayo kalapit sa isa’t isa na kahit na ngayon palang tayo nagkakilala kwinento mo na agad yung buhay ng mga anak mo at yung mga apo mo. Hehehe Nakakatuwa tayong mga pilipino. May lalim ang pinagsamahan, kaya naman kahit na parang walang sinasabi ang totoo marami tayong natututunan, Kaya naman sa susunod pag nakipag-ano ka sa isang kwan at narinig mo ang mga kwan na to maiintindihan mo na kaya pala ganito kasi kwan kaming mga ano. :) hehehe

No comments:

Post a Comment