Powered By Blogger

Pages

Powered By Blogger

Sunday, July 25, 2010

Ortigas Station, Ortigas... Station?

“Ortigas Station, Ortigas... Station?”

Ortigas nga ba? Totoo nyan hindi ko alam eh. Hehehe. Ang alam ko lang ay ang lugar kung saan ko gustong pumunta, MegaMall. Basta alam ko punta ka ng trinoma, sakay ka ng MRT papuntang... Ortigas... Ortigas nga ba? O Katipunan? O Magallanes? Sino ba yun? Saan ba yun? Aba! Malay ko!? Hahaha. Basta dyan lang yun. Di naman siguro ako maliligaw baka nga lang lumampas ako, magkulang o maloko? Pero makakarating din ako dun. Hirap ng buhay pag wala kang alam tungkol sa mga bagay na yan, no?

Minsan ganyan din sa buhay ng tao. Di mo alam magkano pamasahe; di mo alam saan ka dadalhin ng tren ng buhay mo, pero isa lang sigurado ko dadating at dadating ka dun. Yun ang nagbibigay pagasa sa mga taong inaantok na sa byahe ng buhay, sa mga taong nababagot na sa kakahintay, sa mga taong naligaw na at nagkulang. Mahirap man ang byahe pinipilit nating makarating. Kaya naman pala maraming tao sa MegaMall eh. Katabi ba naman ang Rustan’s at Shangrilla. Mabasa ka man ng ulan, mainitan man ng araw pipilitin mong makababa sa ortigas station, katipunan o Magallanes man yan para marating ang hinahanap mo.

Hindi hadlang ang tren ni o ang daanan, Hindi hadlang ang boses na sumisigaw ng “Ortigas Station!” Ang hadlang sa buhay natin ay hindi ang ibang tao. Ang hadlang natin sa ating paglalakbay ay ang takot na namamayani sa tuwing tayo ay gagawa o pupunta sa isang bagong lugar. Ito ang mga taong naligaw, nadudugas o namumuhi dahil hindi nila nakita na sa kabila ng malubak na riles at mabahong katabi merong MegaMall, Rustan’s at Shangrilla na naghihintay sa huli.

No comments:

Post a Comment