“Bakit ba laging traffic sa Monumento?”
Isa ang Monumento sa pinaka sikat na lugar dito sa kamaynilaan. Marahil dahil sa ito ay isang lugar kung saan lahat ng sasakyan mula sa iba’t ibang lugar ay nagkikita: merong galing NLEX (North Luzon Expressway), may galing Valenzuela, may galing MCU, may galing ng Sta. Cruz sa Quiapo at meron din namang galing Caloocan. Na nagiging dahilan ng matinding Traffic doon. Kung ipapaliwanag ko siguro ang Monumento sa iisang salita, ang gagamitin kong salita ay ang salitang Traffic.
Ang buhay natin ay parang Monumento. Maaaring meron tayong sari-sariling paniniwala, pananaw o paninindigan, ngunit sa huli magkikita-kita din tayo sa Monumento. Hindi mahalaga kung pangit ka omaganda ang mahalaga ay nasa Monumento ka kasama ng iba. Ito ang buhay, maraming kabalintunaan, maraming bagay na hindi kaaya-aya ngunit ito ay parte ng katotohanan. Ito ang dahilan kung bakit Traffic sa Monumento, ito ang dahilan kung bakit maingay at magulo ang buhay ng tao.
Puwede namang mag LRT ha!? Bakit dadaan ka pa ng Monumento? Puwede namang mag-C5 ha!? Bakit kailangan pang dumaan ng Monumento? Ito ay sa kadahilanang dito umiikot ang buhay ng tao. Hindi mo malalaman ang katotohanan kung hindi ka pa nagkakamali, hindi mo malalaman ang katahimikan kung hindi mo pa naranasan ang kaingayan, hindi mo masasabi na maganda ang isang bagay hangat hindi ka pa nakakakita ng pangit, hindi kamakakarating ng Gen. T. kung hindi ka dumaan ng Monumento. Ang Monumento ayhindei Monumento pag nawala ang ingay ng mga sasakyan, ang baho ng usok, ang dumi ng alikabok at ang mga taong nagsisiksikan dito. Ang buhay ay hindi buhay kung walang dalamhati, pagdudusa, pagkakamali at iba pa... Traffic sa Monumento. Iyan ang totoo.
No comments:
Post a Comment