“Kuwentuhan tayo?”
Àng buhay ng tao ay punong-puno ng kuwento, minsan Masaya, minsan malungkot. Ngunit ano pa man ang kuwento natin, ang importante ay kung ano ang nagawa nito sa atin. Sa bawat segundong lumilipas, kasabay ng paginog ng mundo, merong mga kuwentong nabubuo. Kuwento na maaaring hindi maganda o hindi pansin ngunit ang mahalaga ang kuwentong ito ay naging parte ng buhay natin.
Ito ang aking kuwento. Ito ang iyong kuwento. Ito ang ating kuwento. Pagnilayang mabuti ang bawat segundong lumilipas at masasabi mong merong kuwentong nagaganap sa bawat sulok ng mundo. Maaaring habang nagsusulat ako, natutulog naman ang iba. Maaaring habang nagaaral ako, merong isang batang masagasaan. Iba-iba man ang kuwento natin, mananatili parin ang katotohanan na nangyari ang lahat ng kuwentong ito kasabay ng kuwento ng lahat ng tao. Maaari rin namang pagkatapos mo basahin ang artikulo kong ito; Matapos din ang buhay ng ilang naghihingalo; matapos na din ang pagpatay ng isang mamamatay tao; matapos na din ang giyera sa Iraq; matapos na din ang huweteng sa kanto; matapos na din ang session ng mga lango sa droga; matapos na din ang relasyon ng isang magkasintahan? Ano man ang mangyari pagkatapos ng article kong ito, ang kuwento nila at kuwento ko ay nagtapos sa oras ding iyon. Yan lang ang kuwento ko, ikaw anong masasabi mo? Kuwentuhan tayo?
No comments:
Post a Comment