“Ano kaya magandang isulat?”
Paano ba magsulat? Meron bang mga paraan para mapaganda ang iyong pagsulat? Bilang isang Journalism student kasama sa buhay namin ang pagsulat at pagsulat. Pagsulat tungkol sa Makati, tungkol sa presidente, sa mahihirap, sa kawalan ng tubig, sa mga tulay na sira, sa mga taong sira, sa mga tubong sinisira, sa mga taong sumisira... hahaha Pagsulat tungkol sa pagsulat? Haaaay, dami-dami naman kasi bakit ba kailangan pang isulat yan? Alam ko na kasi kami ang gumagawa ng kasaysayan bawat kahapon kasing lumipas ay nagiging parte ng kasaysayan. Pero alam nyo ba minsan ang mapaglarong isipan ng mga manunulat ay nauubusan din ng laman? Hahaha
Sa sobrang dami naming nasusulat na artikulo minsan paulit-ulit na lang ang aming naisusulat, pero hindi pwedeng mangyari to! kailangan ng bago! Yung patok! Kaya minsan di ko maiwasan na wag na lang magsulat hahaha. Dahil para sa akin ang pagsusulat ay isang sining, at ang pagsusulat ng wala lang ay parang dagok sa aking dignidad bilang isang manunulat. Meron pa, meron pa yan. Ganyan ang pagiisip ng isang manunulat, para kang tumingin sa isang larawan ngunit hindi tinignan ang larawan. Tumingin ka sa isang puno. Sa umpisa puno lang ang iyong makikita, mamaya ang dahon nitong onti-onting nalalagas na sumasayaw sa hangin kasabay ng mga ibong nagaawitan, mamaya-maya pa at meron ka nang makikitang magsingirog na nagsusumpaan ng kanilang pagmamahalan, maya-maya pa at panahon na ng giyera sumasabog ang kapaligiran kasabay ang mga panaghoy at sigawan, maya-maya at ang puno ay matanda na sa paligid nito ay naggagandahang mga bulaklak kung saan ang mga bata ay nagkukulitan, sa sanga ng punong ito iyong makikita ang isang swing na ginagamit ng mga bata kanina na ngayon ay matanda na. Lumipas ang ilan pang sandali at ang puno ay patay na. Napakagandang pagmasdan punong naging parte ng nakaraan ngayon ay nakatayo parin sa gitna ng karamihan...
Ano nga kaya ang magandang isulat? Minsan sa sobrang lito ko napapagsama-sama ko na silang lahat si lapu-lapu kalaban ni spider man samantalang si magellan kasama ni luffy -One Piece- na lumulusob sa chocolate factory habang si red riding hood ay namimitas ng bulaklak na chocolate? na kinain bigla ni L –Death Note- at sinapak si Ichigo –Bleach- kasi akala nya si Kira –Death Note- habang nagulat naman si alice –alice in wonderland- dahil sa Hogwarts sya napunta. Hahaha Ano? Nakuha mo na ba?... Anong ano? Eh syempre yung pagsulat! Hindi parin ganto kasi yan. Ang pagsusulat para sa akin –Oh! Tama na react! Mga reaction nito eh no? Makinig! di mo to matututunan sa libro.- ay walang espesyal pamamaraan –walang secret- dahil ang pagsusulat ay ang paglagay ng iyong buong puso sa pinakadulo ng iyong daliri, at hayaan mong ang dugong dumadaloy sa iyo at ang tinta na dumadaloy sa ballpen mo o sa iyong pluma ay maging isa. Ito ang pagsulat ang paglagay ng iyong puso sa kapirasong papel na mabibili sa kanto o sa pinilas mong papel ng katabi mo. Iyan ang estilo ng pagsusulat na kahit ni sino hindi matututunan sa libro. :)
No comments:
Post a Comment