Nawawala ang mga titik,
Sa mga tulang aking inukit,
Nawala lang akong saglit,
Wala nang nakasambit.
Bakit kay bilis ninyong lumimot,
Para bang pilit pinagiimbot,
kapayapaan sa aking bayan,
Di na pinansin ng taong bayan.
Akala nyo ba'y kayo'y malaya?
Sa katotohana'y kayo'y nagpasakop sa banyaga,
Ginawa lamang ninyong lantaran kanilang kakapalan,
Itinapon aming hangaring pagisahin buong sambayanan.
Itinapon ang mga tula,
Kinalimot pilit ang mga tanikala,
Winasak ang ating kultura,
Pati na ang pusong makata.
Anong nangyari sa Pilipinas kong mahal,
Para bang kinain ng lumot inyong dangal,
Mahalaga pa ba sa inyo ang ating bayan?
O ika'y nangangarap ring lisanin bayang sinilangan?
Dugo't pawis aming inialay,
Madunong man ay nagpakatanga para sating bayan,
Dangal at lahi aming iniangat,
kapalit ang aming buhay para sa inyong Dangal.
Dumanak aming dugo sating watawat,
Na nagsilbing langit sa bawat nangangarap,
Ngayo'y Harap Harapang binabastos ng walang pakundangan,
Di pa makokontento itatakwil pa pagiging Pilipino.
Kapayapaan aming hiling sa Banyagang sa ati'y lumusak at nangwasak,
Ngayo'y kapayapaan ay binigay kapalit ng dangal na aming inialay,
Dapat bang maging tanga? Unahin ang bayan kaysa sa Pera?
Kung ikaw ay Pilipino, Alam kong uunahin mo ang bayan na to?
nice ^^
ReplyDelete