Powered By Blogger

Pages

Powered By Blogger

Tuesday, September 28, 2010

Pilipinong Banyaga

Kakaiba man ang iyong kulay mula sa lahing tunay,

Alam nating tayo'y may pagkakaiba ngunit puso natin ay iisa,

Minsan pa nga ika'y mas makata kamukha man ng mga banyaga,

Ikaw ay tunay na Pilipino ano man sabihin nila sa iyo.



Maputi at matatangkad, matangos ang ilong at medyo slang,

Oo kaiba tayo sa tunay na Pilipino,

Ngunit tayo'y andito sa piling ng bayan na ito,

Ako ay bilib sayo kalahi kong Pilipino.



Di man tayo mukhang Pilipino,

Ang atin ngang Pambansang bayani'y hindi naman kayumangi,

Wala na namang tunayna Pilipino,

Mararamdaman mo nalang ito sa Puso mo.



Minsan nga'y tunay na Pilipino,

Tinatakwil buong lahi ng mga Pilipino,

Siguro nga'y di bagay tingnan Banyaga noo'y kalahi na,

Ngunit ano ating magagawa? kung di dahil sa kanila sana kami ay wala.



Kaming napakadaming lahi, na para bang sandaigdigan ang dating,

Ngunit mahirap itakwil lahing banyaga pagkat doon kami rin ay nagmula,

Siguro'y dapat kalimutan na ang nakaraan, Magpatawad at Magtulungan,

Upang lahing Pilipino Umusbong sa Puso ng bawat tao.

No comments:

Post a Comment