Sa bawat araw sa lansangan hindi na inaalinsangan,
Bawat yapak ng mga habag ang sayo ay sasambulat,
Sa bawat taong dadaan isang kusing inaasahan,
Mula sa mayayamang bulsa sana man lang ay kaawaan.
Isang kusing parang kuting na nanlilimos ng kusing,
Isang kalanting ng latang kalawangin ang sa kanya ay gigising,
At sa bawat kusing na binabaksak pagasa sa kanya ay isisilang,
Prang pagsikat ng bagong araw sa kanyang mga mata'y masisilayan.
Madumi man ang sa kanila'y tingin puso nama'y walang kasing galing,
Puti ang kanyang budhi at lahi niya'y papagpalain,
Pagkat sa kauunting kusing binuhay nya kanyang lahi,
At sa mga huling talata kusing magiging pilak man din.
No comments:
Post a Comment