Sa bawat patak ng alak meron kang mararamdamang kakaiba,
Isang pakiramdam na humahagod hangang kaluluwa,
Ako'y napaisip paano nga ba?
Ginagawa alak na sa tuwing nilalaklak ikaw ay nagagalak.
Inalog ko at inamoy ang simo'y nito,
Dinama ko sa pagpikit ng mata ko,
Sa Bango at Alindog nitong handog,
Ako ay natanga'y sa kabilang dimensyon.
Aking nakita ng aking dalawang mata,
Mga gumagawa pala ng alak ay mga dilag na ka'y gaganda,
Parang isang kasiyahan, sila ay nagsasayawan,
Tinatapakan ubas na bulas at simo'y nito'y nagpamalas.
Sa isang lalagyan doon sila'y sasayaw,
Pawisan at halatang nahihirapan,
Ngunit walang tigil ang padyak,
Tuloy parin ang kasiyahan.
Tumatagaktak na pawis,
Para bang kadiri kung pagmasdan,
Ngunit dahil sa determinasyong mabuo ang produkto,
Pawis nila'y naging mahalagang lahok na rekado.
Kaya pala't iisang ubas ang pinagmulan,
Ngunit iba't iba ang lasang matitikman,
Siguro'y kasama sa rekado,
Pusong totoo ng gumagawa ng ubas na ito.
Ngayon ko lamang napagtano,
Mga diwatang Naglalaro,
Sumasayaw ng isang buong maghapon,
Mapatikim lang sa iyo ang buong mundo.
No comments:
Post a Comment