Saan nga ba huling lumagda,
Pambansang Bayani ng ating Bayan?
Siguro'y walang nakakaalam,
Pagkat nilimot nyo na kanyang liham.
Ngayon ay para bang walang saysay,
Pagusapan sikat na manunulat,
Di man lang natin naisip na tayo'y wala,
kung di dahil sa kanya.
Ipinagtanggol ating bayan,
Kahit inalipusta ng tulad ninyong mayayabang,
Kala mo'y alam na ang lahat ng bagay,
Ngunit sa katotohana'y walang laman.
Jose Rizal kanyang pangalan,
Siyang aking tunay na hinangaan,
Hindi humingi ng ano mang gantimpala,
Tanging kapayapaan kanyang tangan.
Inalay kanyang kagalingan sa larangan,
Doktor man ay naging manunulat para sa bayan,
Di na kailangan pang pagusapan,
Nagpakagaling para lang sa bayan.
Ano man ang iyong tingin,
Sa akin siya'y iisa parin,
Pagkat huling lagda ay hindi nalimutang,
Ilagda sa Puso ng taong Bayan.
No comments:
Post a Comment