Powered By Blogger

Pages

Powered By Blogger

Tuesday, September 28, 2010

Liham ko'y Sunugin

Sa aking paggising nakita kong bayang inaalipin,

Mga taong pinaghahampas sa likuran ng tinik na kay sakit,

Ang araw na matamlay ay nagbibigay buhay sa kamatayan,

Ang tahimik na pagbulyaw dahil sa sakit na nadarama'y mapakikinggan.



Pasakit bang maituturing mga mahihirap sa bayan natin,

Silang humahatak pababa sa katayuan ng mga taong nagsisinungaling,

Maaaring ako'y nagkakamali ngunit ang puso ko ay hindi,

Ang paglubog ng bandila ay malapit nang makamit.



Lulubong ang araw at guguhit ang liwanag sa karagatan,

Makikita ng iyong mga mata kung panong langit ay mawawala,

Kislap ng alon sa dagat ay liliwanag at kikinang,

Kasabay nga paglubog ng araw ang paglubog ng tatlong bituin sa kalangitan.



Hindi pula, hindi bughaw, wala kang kulay na makikita,

Tanging bulyaw at iyak iyong maririnig mula sa kapaligiran mong nagngingitngit,

Sana ako'y magkamali ngunit sa tingin ko ay hindi,

Hangat hindi ka nagigisng sa iyong pagkakahimbing.



Gising, gumising ka at punitin tula kong ginawa,

Pagkat ako ay isa sa manunulat ng kuwento ng buhay na ito,

Sirain aking pagiisip sunugin aking liham nga pagbati,

Pagkat sa aking mga mata lahat kayo ay magdidilim.



Mawawalang parang bula kasama ng mga tanikala,

Kasama ng buwan at ng araw pati narin ng sangkalangitan,

Matakot ka Matakot ka Pilipinas ay mawawala,

Sayong pagiimbot at katamlayan kayong lahat ay matutuluyan.



Gising Pilipinas Gising, Huwag hintaying magalit sa akin,

Pagkat Liham ko'y parang Miliminas na ngayon ay tunay nang nagaganap,

Patunayang kami'y mali ipakita nyo sa akin, puwede pa namang baguhin ang kuwento,

Sisikat ang araw sa kabilang mundo. Ano? Ikaw na ang magtuloy nito...

2 comments:

  1. http://jonathancaina.blogspot.com/2010/10/sisidlan.html follow me....

    ReplyDelete
  2. it is impolite to just leave comments like "nice", "good", or merely a smiley (☻) if the entry left you speechless. thus, i'd rather say this. haha.

    ReplyDelete