Powered By Blogger

Pages

Powered By Blogger

Thursday, August 19, 2010

Tinaguriang Bayani!

Bayani ang sayo'y bansag,

Namatay daw para sa bayan,

Itinanghal na para bang hari,

Binigyan ng magarbong palamuti,

Binigyan ng isang watawat,

Simbolo daw ng iyong pagiging tapat,

Ngunit lahat pala'y palamuti,

Pagkat bayani namata'y sa kamay ng kayumanggi,

Kapwa't kapatid kung ituring,

Sa huli'y kalaban man din,

Sa kanya'y kumitil,

Sa kanya'y nagtaksil,

Kapatid na sundalo,

Sa kanya'y bumaril,

Ipinangalan sa Komunista,

Ang nangyaring pagkitil,

Ngunit ang katotohana'y,

Nagtatago sa dilim.

Anong mas masakit?

Makitang ika'y papatayin?

O makitang kapwa sayo'y papatay din?

Siguro nga'y mas masakit,

Makitang kapatid sayo magtataksil,

Kaysa maramdaman mga tama ng baril,

Na sa iyong buhay ay kumitil.

Tinaguriang bayani,

Binigyan ng kung ano anong palamuti,

Ngunit sila rin palang nagtanghal,

Ang siyang tunay na bumawi,

Binigyan pa ng kakaibang pagpuri,

Ngunit sa totoo'y sa kahon isinilid ang kapatid,

Para sa iisang kusing nagawang kapatid ay itakwil man din,

Gaano kasakit purihin at dakilain,

Ng mga inakalang kakampi,

Ngunit sa kanya'y bumaril?

Gaano kasakit ang mamatay,

Ng hindi makaganti pagkat,

Kapatid kung siya'y ituring?

Gaano kasakit ang mamatay,

Nang hindi sa kamay ng kaaway?

Gaano kasakit mamatay,

Nang kakampi'y maging kaaway?

Nagtanggol nga ba sa bayan?

O nagtaksil para sa mayaman?

Bayani nga bang maituturing?

O biktima ng pagiging sakim?

No comments:

Post a Comment