Sa bawat salita at sa bawat gawa,
Pilipino'y nawala sa gitna ng talata,
Pagunlad bang maituturing o isang kahibangan,
Pilipino'y nawala sa sarili niyang tahanan.
Dahil sa di malamang dahilan,
Kultura at wika ay napaltan,
Kasabay ng paginog ng mundo,
Pilipinas ay nagbago.
Watawat ko'y tinapak-tapakan,
Ginagalang ngunit binabastos,
Ginamit noon sa kalayaan,
Ngayo'y ginagamit sa kasakiman.
Nasaan na nga ba napunta?
Para akong naligaw sa ibang bansa,
Nawala ang mga tula at mga talata,
Napaltan ng mga Emo at mga Jejemon.
Ibalik ninyo ang bansa ko,
Ibalik ninyo ang mga pilipino,
Ibalik ninyo ang kultura ko,
Pati na rin ang wika ko.
Ngunit wala nang magagawa,
Pinunit na ang talata,
Winasak na ang tanikala,
At bumagsak na ang mga tala.
Kapayapaan bang maituturing?
O bansa ko'y nasakop na rin,
Pagkat pilipino ay nawala,
Pati na aking bansa.
Ano ang gagawin sa huling talata,
Upang mamulat mga bata pati matatanda,
Na ang bansa ay mawawala pag tuluyang pinagbahala,
Kaya't bago matapos ang talata,
Ipangako sa ating bansa,
Na tayo ay gagawa sa naaayon at tama,
Upang maibalik piipinong pinatalsik,
Upang maibalik alaala ng paghihimagsik.
No comments:
Post a Comment