Siguro nga tama si Jose Rizal ng sinabi niya sa kanyang mga kapatid bago pa man siya mamatay kasabay ng pagbigay niya ng lamparang iyon sinabi ang mga katagang "There's something inside". Oo nga naman, pagkat laman ng lamparang iyon ang Me ultimo Adios, isang mahalagang liham na iniwan ni Pepe para sa kanyang mahal na kababayan at sa kanyang mahal na bayan.
Isang araw sa aking pagiisip habang nakapila sa Parking Lot ng SM Valenzuela para sa aking sakayan pauwi ng Gen. T. tiningnan kong mabuti ang ticket ng SM at napansing merong mga katagang nakasulat sa likod ng mga kartong iyon na pinagdikit-dikit. Sa aking pagkamangha pinilit kong silipin ang nilalaman sinira ko ang ticket -"Ssshhhhh" secret lang baka hindi na ako pasakayin next time hehehe- at nakita ang mga katagang "I find that the harder I Work, the more Luck I seem to have." Ako ay namangha at natuwa sa aking nakita sa sobrang pagkamangha tiniklap ko ang sulat na iyon at kinabitkabit ulit ang sinira kong ticket -Sorry, hehehe- Ito ay nagbigay sa akin ng pagasa sa gitna ng aking mga problemang kinahaharap at haharapin pa, kahit papaano binigyan ako ng pagasa ng SM ticket na ito na wala lang sa mata ng maraming tao.
Siguro nga tama si Rizal there is something inside hindi na natin kaylangan pang pumunta sa kung saan-saang lugar at maghanap ng kung ano-ano pa man dahil ang hinahanap natin ay nasa harap na natin mga simpleng bagay kung ating ituring ngunit kaya palang magbigay ng kaligayahang walang maliw. Hindi mo na kaylangan pang makasakay ng eroplano o makapunta ng ehipto para maging masaya ang buhay mo ang kaylangan mo lang titigan at buksan ang puso mo at basahin ang mga katagang nakasulat rito. Simple ngunit totoo, sa kabila nang paglalaro ng DOTA, sa kabila ng pagpunta sa iba't ibang bansa, sa kabila ng pagkain sa kung ano anong restaurant at pagkakape sa Starbucks o Coffee Bean and Tea Leaf, paglalakad sa Trinoma, SM North, MegaMall at Mall of Asia. Merong kakaibang saya at pagasang nabigay ang simpleng SM ticket sa akin na hindi naibigay ng kung ano-ano pa man.
Silipin mo kung anong meron dahil baka ang hinahanap mong GINTO ay nakabalot lang sa TANSO. :)
No comments:
Post a Comment